Being ignored hurts

Oo . Tungkol to sakin. Ang buo kong pangalan ay John Agustin Spartacus Franisco Bucu. Lahat na ng nasa pangalan ko natawag na sakin. John, Agustin, Spartacus, Bucu minsan pa nga’y ginagawa na kong prutas. BUKO. Pero sanayan na lang din . Kasi yung mga tumatawag sakin nun sila ay yung mga kaclose ko :)

Favorite kong sport ang Volleyball. Ewan ko kung ano ang connection nun sa Sexual orientation ng isang tao. Madaming hadlang sa paglalaro ko nun. Pwera nalang ang pamilya ko. Lagi nilang tinatanong Bading ka ba ? Bakit Volleyball nilalaro mo ? Bakit hindi basketball ? Eh ano naman pakialam niyo ? Kung icocompare niyo ang Volleyball sa Basketball. Mas mahirap ang Volleyball. Kaming mga nagvovolleyball kaya namin i dribble ang bola kahit gano katagal katulad ng basketballista. Pero ang mga basketballista ba kaya magvolley ng kahit kelan nila gustuhin ? Hindi naman diba ? Kaya para sakin mas challenging ang volleyball . Compared sa basketball mas nakakapagod nga lng ang basketball. At PS : Hindi ako BADING. Lalaki po ako [100%].

Lumaki ako sa isang broken family. Kwento sakin. Hiwalay na nanay at tatay ko bago ako ilabas. Kaya ayun. I have 2 sisters. Oo siguro  kaya malamya ako minsan kumilos. Mahilig ako magsabi ng Chos. Te’ atbp ay siguro ay mas close ako sa mga babae. Kasalanan ko bang lapitan nila ko ? [ Lels. Kala mo chickboy torpe naman #Laslas ] Kaya siguro ako napagkakamalang Bading pero hindi po talaga. #Wagmonaipilitkunggustomongmagilitansaleeg.

Pinanganak ako habang nabagyo noong June 20 ,1996. At ngayong taon ay 15 years old na ko. Ako ay kasalukuyang 4th year high school sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod ng Pasay(Pasay City Science High School) Masasabi kong ako ay may ibubuga naman. 

Approachable ako. Joker ako ng Klase. Oo . Mahal ako ng class namin. biruin mo ninominate akong secretary . Tapos ano ? Wala nang sumunod. Ano yon ? Appointing of officer ? Lels. 3 consecutive years na rin akong nagsisilbi sa kanila bilang secretary. mahal na mahal talaga nila ko . HAHA. 

Pangarap kong maging doctor. Specifically, Pulmonologist. Gusto ko talagang makahanap ng cure sa asthma. 

Mga paborito kong pagkain ?

1. Fishball. Allergic ako sa kanya. Pero siguro sa sobrang kain ko sa kanya na-immune na ako.

2. Kare-Kare. Oo . Yung bagoong at sabaw lang ang kinakain ko dun.

3. Adobo. Mapa-PORK man yan o CHICKEN. Lalantakan at lalantakan ko yan.

4. Sinigang. Eto ang favorite sa lahat. Paborito namin to ni Bespren teptep . [ lels.padamihan pa kami nyan ng makain nung bata kami. ]

Lovelife ? Single. Lels. Kasi naman ang bilis magpalit ng damit boyfriend ng crush ko. Parang wala lang ako dun. HAHAHA. I know time will come.

~Kung may tanong pa kayo. TA nalang ako :)))

Posted: Sat June 25th, 2011 at 11:32pm
Tagged: personal tungkol sakin laslas ang haba
Notes: 6
  1. juhzz posted this